336 - Kahit Saanman Ako Ay Sasama

Kahit saanman ako ay sasama
Kay Jesus at papatnugutan Niya;
Saanma't kung hindi Siya kasama
Ay walang ligaya kundi pangamba.

REFRAIN

Saanman ay di ako nangangamba
Kaylanman at si Jesus ang kasama!

Saanma'y hindi ako nag-iisa
Kung wala mang kaibigang kasama,
Kahit saan ako akayin Niya
Ay pupurihin Siyang walang hangga.

REFRAIN

Saanman ay di ako nangangamba
Kaylanman at si Jesus ang kasama!

Saanmang dako ako'y mahihimlay
Kung dumating na ang kinagabihan,
Anumang bayan ang aking kagisnan
Ay aariin kong siyang tahanan.

REFRAIN

Saanman ay di ako nangangamba
Kaylanman at si Jesus ang kasama!

0:00 0:00